Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

SK CHAIRMAN

Magandang umaga po sa ating lahat at Pagbati ng kapayapaan at kagalakan mula sa kaibuturan ng aking puso kasama ng aking mga kagawad na kapwa ko kandidato. Una po muna sa lahat nais ko na pasalamatan ang lahat ng mga kabataan na ngayon ay naririto upang kami’y makilala. Maraming salamat po. Salamat din sa may kapal sa pag bibigay ng napakahalagang araw na ito sa atin. Pinasasalamatan ko rin ang aking mga kaibigan at mga magulang at lahat ng mga taong sumusuporta sa akin maraming maraming salamat. Nais ko ring irecognize ang lahat ng mga kapwa ko kandidato mula sa Sangguniang barangay at sangguniang kabataan. Ang mga representante mula sa DILG salamat po sa pag dalo. Nais ko ring pasalamatan ang lahat ng mga magulang na naririto salamat po sa inyong lahat.

Mga kapatid kong kabataan, ang pagiging kabataan ang simula ng pagkahubog ng mga taong may pangarap na makapaglingkod sa kapwa. Kaya’t piliin ninyo sana ang may kakayahan at abilidad na kayo’y pamunuan at maging matalino po sa pagpili ng mga mamumuno sa ating mga kabataan. Ang namumuno ay dapat makinig sa mga hinaing ng bawat kabataang kanyang pinangakuang paglilingkuran.kaya’t Ako ngayon ay nakatayo sa inyong harapan upang ako’y inyong lalo pang makilala. Ako ay tumatakbong Sk Chairman upang kayo’y paglingkuran ng taos-puso, bukal sa aking kalooban. Nais ko lamang na ang lahat ng mga kabataan dito sa ating baranggay ay mahubog sa tamang landas at malayo sa mga hindi kanais-nais na gawain. Bago ako pumasok sa pulitika inihanda ko na ang aking sarili, laban sa mga hindi kanais-nais na mga puna at salita. Nang magsimula na ang aking pagkandidato, nagsimula na rin ang aking inaasahan ang kabi-kabilang batikos na laban sa akin. Oo normal lang ito sa pulitika. Ngunit kung akala nila madali akong mapanghinaan ng loob, Yun ang malaking pagkakamali nila, dahil mas lalo kung hinangad na kayo’y paglingkuran. Nais kong ang mga kabataan ay mamulat sa iba’t ibang larangan tulad ng SPORTS, LIVELIHOOD PROGRAMS at iba pa. Dati ako ay tahimik lamang, tinanggihan ko ang unang alok sa akin na ako’y kumandidato dahil sabi ko ang pulitika pag pinasok mo ay para ka na ring nanguha ng batong ipopokpok mo sa ulo mo. Ngunit ng marinig at Makita ko ang hindi pagpansin sa mga hinaing ng mga kabataan nakaramdam ako ng awa. Namuo sa aking puso na ang kabataan ay dapat pakinggan, bigyan ng pansin. Kaya ako ngayon ay naririto upang inyong maging karamay at katuwang bilang kapatid, sandigan bilang kaibigan, lakas at boses ninyo.

Sinbi ni gat Jose Rizal ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ibig sabihin dapat mahubog sa tamang landas ang kabataan. Ang pag-asa ng bayan ay nasasaating mga kamay na ngayon.Iyan ang pangunahin at p inakamahalagang papel nating mga kabataan. Kaya’t ang mga kabataan ay dapat pakinggan dahil tayo ang

mag aangat ng ating bayan. Aking hinihingi ang inyong buong suporta at ako’y inyong pagkatiwalaan at sa tiwalang ito, ating babalangkasin ang bagong pag-asa at hinaharap ng ating minamahal na baranggay. Inyong panghawakan ang aking katapatan upang kayong kapwa ko kabataan at aking kabaranggay ay aking lubos na mapaglingkuran. Muli po huwag na huwag ninyong kalilimutan sa darating na pagpili ng mga mamumuno sa inyong mga kabataan MICHAEL VINCENT “IKING” RONQUILLO para SK chairman. Maraming salamat po, Mabuhay kayong lahat….

Advertisements

New Katipunan ng kabataan Winner:

SK Chairperson:

1. MICHAEL VINCENT BARTOLOME RONQUILLO

SK Kagawad:

1. Jennelyn M. Alipio

2. Ronald L. Pillera

3. Joanna Maria C Dela Cruz

4. Jojimar S. Cruz

5. Amado O. Talavera

6. Bernard A. Larioza

7. Eric S. Aquino

Ipagpatuloy ang pagbabasa »